kandong

/ November 14, 2011 /

malakas na ulan ang bumungad sa akin pagkagising ko ngayong umaga. tiningnan ko ang relo at napabalikwas ng makita ko na malapit na ang alas-otso. nagmadaling naligo, nagbihis at nag-ayos.

siksikan sa labas, naghalo ang ulan, makukulay na payong, taxi, sigawan. abala ang lahat na paghahanap ng masasakyan para makarating sa paroroonan. makalipas ang limang minuto, nakaupo na ako sa likod ng tricycle patungo sa opisina.

ang aking katabi ay dalawang bata, magkapatid. ang isa ay nakakandong sa kanyang kuya, tahimik. habang tinitingnan ko sila, sa isang napakasimpleng eksena, may naramdaman akong tuwa. malamig man ang dapyo ng hangin, naramdanaman ko ang init nang kanilang pagmamahal sa isa't isa.

bumaba sila sa tapat ng eskwelahan at tumakbo, ang kanilang pantalon na maong nakatupi, basa. sa ilalim ng ulan, sila ay nagkulitan, nagkatawanan.

patuloy na umiyak ang langit, madilim ang paligid. tiningnan ko sila at sa kauna-unahang pagkakataong ngayong umaga, ako ay napangiti.

5 comments:

{ Pepe } on: 11/14/11 9:32 AM said...

ang this is my first read today. napangiti din ako. thank you for sharing! good morning!

{ citybuoy } on: 11/14/11 11:12 AM said...

Aww... that made me smile too. :)

{ Nate } on: 11/14/11 2:27 PM said...

awww...

{ ıǝɹɯɐı } on: 11/15/11 10:38 AM said...

aaw :) ganda nito. I remembered the times when I used to play in the rain. Hehe

{ Sean } on: 11/16/11 10:53 PM said...

umuulan ngayon dito. depressing. pero napangiti ako sa image na sumagi sa isip ko mula sa sinulat mo.

archive

closet shelf

 
Copyright © 2010 i am the closet geek, All rights reserved
Design by DZignine. Powered by Blogger