christmas tree

/ November 16, 2011 /
nalilito ako sa dami ng pagpipilian. nakakahilo din ang iba't ibang kulang ng mga dekorasyon na nakapalibot sa akin. pero sa kabila nito, na-excite ako.

pinili ko ang pitong talampakan na bristle pine christmas tree. kasunod ang kulay pula at asul na christmas balls, ilang kulay ginto na poinsettia, ilang rolyo ng christmas ribbons at ang patay-sinding mga ilaw. napangiti ako, tradisyonal na kulay pala ng pasko ang mga napili ko.

bumalik ako ng opisina at sinimulan ko na ang pag-aayos ng christmas tree. unang nilagay ang mga ilaw, kasunod ang pagkabit ng mga christmas balls at iba pang dekorasyon, ang maarteng pag-ikot ng christmas ribbon sa kabuuan nito.

ilang oras din ang nakalipas bago ko natapos at sinindihan na ito. umupo ako sa aking mesa at tiningnan ko ang katatapos na obra. napahinga ako ng malalim, napangiti ngunit hindi ko napigilan ang mapaluha.

pasensiya na, alam ko mababaw. pero ito ang unang pagkakataon na gumawa ako ng ganito, ang mag-ayos ng may dahon at hugis-tatsulok na christmas tree. hindi man ito akin, wala man ito sa bahay namin, ngayon alam ko na ang pakiramdam. dalawampu't walong taon na ako at ngayon ko lang ito naranasan.


masaya pala...

5 comments:

{ Manech } on: 11/16/11 9:28 PM said...

Tinamaan ako sa huli. Bakit ngayon lang?

{ Sean } on: 11/16/11 10:55 PM said...

firsts are always special no?

{ Mugen } on: 11/17/11 5:44 PM said...

I won't try to peek beneath the layers of your post.

Pero masaya ako, sa wakas ay nagawa mo rin. :)

=)

{ ıǝɹɯɐı } on: 11/17/11 7:58 PM said...

aaaaahw >.< this is so nice.

{ ahmer } on: 11/18/11 8:36 AM said...

masaya at masarap ang pakiramdam

archive

closet shelf

 
Copyright © 2010 i am the closet geek, All rights reserved
Design by DZignine. Powered by Blogger